Friday, June 19, 2015

Ang Simula ng Panibagong Paglalakbay, Malaysia! Eto na ko!


Everything is possible. If you believe it will happen, definitely it will. 
Wag kang matakot mangarap ng malaki, ika nga nila DREAM BIG
Libre lang marangap, subukan mo din. Positive, positive and positive.




          Ilan lang yan sa mga salitang laging nag papa-insire sakin everytime I wake up in the morning. Ni hindi ko nga lubos maisip na yang mga salita o katagang yan ang mag tutulak sakin upang i-pursue ko yung pangarap kong maka punta at maka pag trabaho sa ibang bansa. Napaka bilis ng mga pangyayari, ni hindi ko nga akalain na sa isang iglap makakatungtong na ko dito sa Malaysia. In less than 2 months naayos na kaagad lahat ng papers magmula interview, medical, paper processing at yun na, lipad na going to Malaysia. I still remember, last day of the month of December 2014, inaya ako ni sir Emer if gusto ko daw mag trabaho abroad. At first di pa ko makasagot kung ready naba talaga ko to work abroad. Nilakasan ko na lang yung loob ko, and I send my resume sa email add na binigay niya sakin. At inisip ko din nun, sige i-try ko kung makalusot oh di okay, kung hindi naman palarin oh di okay lang din, baka hindi para sakin yung Malaysia sabi ko pa nun kung di ako makalusot. First reply ng agency, operator position. 

Dear Mr. Rommel,

We are looking for Debug Technician with PCB background.  You may not qualify for the position. If you are interested 
for Production Operator post please do let me know.

Salary is RM1004 + 500 OT Allowance/month

Thank you.

Sincerely,
Cheryl 

          Sinabi ko kagad yung reply sakin kay sir Emer since yung sinabi niyang position na applyan ko eh Debug Technician, sabi niya sakin wag ko daw tatanggapin at tatawagan daw niya ulit yung agency. After a weeks of followup I receive another message from maam che, eto yung laman ng mensahe, I have an interview for Debug Technician and we need to go to the office at Malate on January 25, 2015, birthday din ni mama yan at ni Bella, pamangkin ko, kaya hindi ko makakalimutan yang date na yan. 

          Interview proper, tinignan yung resume ko, first question: bakit daw gusto ko mag debug technician, samantalang Project Engineer ako sa Nidec, simple lang sagot ko, “As a graduate of Electronics Engineering gusto ko naman pasukin yung field na naayon sa course ko dahil nga in my previous job more on electrical wiring and mechanical assembly yung ginagawa ko, hindi ko na practice yung dapat talaga na field ko, yung "Electronics".” Nag smile lang yung interviewer, sabay sabi, “pano yan ang layo ng previuos job mo sa inaapplyan mo”. Sagot ko sa kanya, “I expect na tatanungin nyo yan sakin kaya di na ko nagulat, at aminado naman akong malayo talaga yung working experience ko sa inaapplyan ko, pero konting training plus yung basic knowledge ko in electronics would be enough and a basis para tanggapin nyo ko sa work”, sabi nyan sakin "Basic", inulit nya pa "Basic ah" ngumiti ulit, napansin nya siguro na kung tatanungin nya ko about debugging eh wala talaga akong maisasagot, kaya ang ginawa nya pinag drawing nya ko nga process flow ng ginawa namin sa Nidec, sa loob loob ko mukang sablay ah, iniba na yung topic ng tanong para lang may mapag usap kami. Nag drawing naman ako at inexplain ko yung process flow, sisiw lang sakin pag mga ganung tanungan, tapos nun nagtanong na lang siya ng mga basic electronics symbols at components. Nung nayari kami last niyang tanong, may gusto kabang sabihin sakin, ang sagot ko lang sa kanya, “Alam kong malayo yung working experience ko sa ina-applyan ko, but I will not promise anything but rather gagawin ko lahat ng makakaya ko para matutunan ng mabilis ang mga dapat kong matutunan”. tumango lang at nag thank you siya. Ako naman nag thank you din at nakipag shake hands. Nung nayari yung interview, ang sabi ko na lang sa sarili ko "bahala na kung para sa akin, o di sa akin". Kung di man niya ko kuning isa lang ibig sabihin nun para sakin, hindi para sakin yung malaysia. Ang saya din ng experience na yun ibat ibang tao yung makakasabayan mo sa interview, ibat iba yung lugar na pinanggalingan, ibat iba yung company na pinagtatrabahuhan, pero may iisang layunin ang mag aspire na kuha to work abroad. 
      (Note: The whole interview conversation is in English , the interviewer is an Indian, mas trip ko lang at mas ma idedetalye ko lang siyang maigi in Filipino Conversation).

          A week after the interview, na text na si sir Erwin (isa sa mga kasama kong nag apply din at ka work sa Nidec) pinagrereport na siya sa office for medical, kami naman ni sir Mario (isa pa sa mga kasama kong nag apply din at ka work sa Nidec) ay kinakabahan na dahil wala pa din kami text, natapos ng mag pa medical si sir Erwin wala pa din text samin, hanggang sa nawalan na ko ng paasa at di ko nag e-expect na matetext pa, friday I decided na maaga akong uuwi dahil na rin rest day ko kinabukasan around 5pm may nag text informing me to go to Serviecon office, yung agency namin na inapplyan, and I should bring an amount of money for my medical, at dun na, nag text na ko kila mama na need kong lumuwas bukas at need ko ng ganitong halaga kaya yun saturday morning maaga kong gumising, lumuwas pa malate sa agency office then medical, konting briefing lang kung paano pumunta at kung ano mga sasakyan. Sa medical siguro tatlong station lang pinuntahan ko, blood extraction, blood pressure at dun sa physical check-up (yung papahubuin ka, tutuwad, titignan kung may almuranas). Mabilis lang akong nakapag pa medical half day lang konti lang din kasi mga kasabayan ko nung araw na yun. After that balik ako sa agency office para mag fill-up ng ilang documents at pinag hahanda na kami ng pang placement fee (kung mag kano offer samin ganun yung halaga ng placement fee), but actually yung placement fee na to, ibabalik din samin after 2 weeks na nandun na kami sa Malaysia, for assurance purposes ba. Dagdag pa ng HR na kapag na i-text na kaming lumuwas after a week lang flight na namin, kaya dapat i ready na namin mga sarili namin, physically, emotionally, mentally ect. Pagdating ko sa bahay sinabi ko na yun kila mama yung about sa placement fee, naghahanap na sila ng mahihiraman, kay tita Ofie, kay ate che, kay ate bhe. Tuesday, February 3, after my medical i decided na magpasa na ng resignation letter sa Nidec last work day ko would be March 3. Para na din maging malinis yung pag alis ko sa Nidec at ma i-endosed ko lahat ng maiiwan kong trabaho. Kahit pa wala pa yung result ng medical eh, nagdesisyon na ko agad agad. 2nd week of february result came out at pasado naman sa medical and we still need to wait for 3-4 weeks for the processing of visa and papers.

          Bago pa man dumating yung araw ng paglipad, marami munang events yung nangyari. Syempre pag may aalis kailangan ng pa-dipedida, kaya nag padispedida muna kami para sa mga tropa namin sa Nidec, ginanap namin yun sa Padis Point Olongapo Branch.



          Ilang araw bago pa yung last day ko sa Nidec, an accident had happen to my Sister Ronadel, she was hit by a tri-cycle. Kabado ang lahat sa biglangang pangyayari, we did not expect na may mangyayaring ganun kay ate Rona. Tignan mo nga naman, ang aksidente pag dumating biglaan talaga. Nagulantang ang buong pamilya at kaanak sa pangyayari yon. Ilang araw pagkatapos ng pangyayaring yon, Nakatanggap na ako ng text galing sa agency na dumating na yung papers namin galing malaysia at need na magbayad ng placement fee. Nung mga oras na yung di ko alam kung matutuwa ako o di ko maintindihan yung naramdaman ko, yung bang gusto kong mag saya kasi, okay na ang lahat tuloy na ko sa Malaysia, mag kakapagwork na ko dun. Hindi ko ma i-share sa pamilya ko kasi nung mga panahon na yun nasa ospital padin si ate. Ti-next ko na lang si mama na magbabayad na ko ng placement fee at after a week eh flight ko na. Nag reply naman si mama na okay daw at dun muna daw ako sa ospital mag antay ng schedule ng flight para bago ako umalis ng pilipinas eh makasama nila ko. Ganun nga yung ginawa ko bago pa man dumating yung flight shedule ko dun muna ko kasama nila na nagbantay kay ate. March 16, 2015 around 6 am yung flight namin. Pero bago yan siyempre last happenings muna sa bahay. 


My Despedida! March 14, 2015, Saturday!
            (Note: Di ko naman tutuloy yung padespidida sa bahay if alam kong di pa ayos si ate, buti na lang before that day eh, alam kong mejo okay na si ate, kaya pinatuloy ko na din. Pag bigyan na last na naman yun eh.)

          Nung araw ng despidada ko kami lang mag kakapatid yung nag asikaso nun kasi si mama at si papa ang siyang nagbabantay kay ate rona sa hospital. Mga college friends, high school friends at mga co-workers at mga tropa, mga relatives at mga kapit bahay ang nagsipunta nung araw na yun. Lunch pa lang nag papunta nako para mahaba yung celebration, tutal ang pinaluto ko naman eh, lunch, miryenda at dinner, kahit anong time sila pumunta bukas ang bahay. 


          Ang dami kong gustong pasalamatan na kahit man lang dumaan lang sila sa bahay para to say mag ingat at i-goodluck ako sa bagong journey kong tatahakin. Lalo higit sa pamilya ko na nag titiwala sakin, siguro di ko matutuloy yung plano kong pag tatrabaho abroad kung di din sila supprotive sakin, pag nanghingi ako siguradong may inaabot sila. Salamat ng madami kila mama at papa, kay tita ofie na malaki din yung pinahiram at naitulong sakin, kila ate rona, ate che, ate bhe, kay bato at pido, kila gang gang at kakay. Sa buong pamilya at mga relatives na nagpayo ng mga dapat kong gawin pag nasa ibang bansa na ko. Sa mga kaibigan na laging nandyan para magpayo kalokohan man o siryoso, kay sir Emer higit lalo na kahit ilang months palang kaming mag tropa di siya nag dalawang isip na isama ko sa plano niya dito sa malaysia. Salamat ng marami sa inyong lahat. Alam kong kakayanin ko to dahil alam kong nasa likod ko kayong lahat. At above all kay God na alam kong may purpose kung bakit niya ko nilalagay dito, dahil nga lahat ng bagay ay may dahilan. Ang dapat ko lang gawin ay maniwala!




This is it!

          March 15, around 10 in the evening. Oras ng pag sundo samin sa Layac, c Ate Che, Gang-gang, kakay at si kuya Ervin yung nag hatid sakin sa Layac, kung tutuusin pwede naman akong mag sama kahit isa sa kanila para mag hatid sakin sa airport dahil maluwag naman yung van na sasakyan namin pa NAIA, pero mas pinili ko talaga na wag na mag pa hatid, baka mas mahirapan lang ako, Nung nagpadespidada nga ako umiyak ako, hindi dahil natatakot akong umalis kundi dahil lalayo ako sa kanila ng mejo matagal tagal, hindi pala mejo matagal talaga kasi 2 years walang uwian, kahit pa sabihin nating maraming ng ways of communications iba pa din personal mo silang nakikita at nakakasama. Anyways, wala nakong magagawa eto na yun eh, ang araw nag pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Goodluck na lang samin, nila sir Erwin at sir Emer.